Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 126 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 126 sa 200 • Tagalog


وَمَا جَعَلَهُ اللَّهُ إِلَّا بُشْرَىٰ لَكُمْ وَلِتَطْمَئِنَّ قُلُوبُكُمْ بِهِ ۗ وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ 126
Pagsasalin:
Hindi gumawa nito si Allāh maliban bilang balitang nakagagalak para sa inyo at upang mapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Wala ang pagwawagi malibang mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong, Āl ‘Imrān 3:126
Tafsīr:
Hindi gumawa si Allāh ng tulong na ito at pag-ayudang ito sa pamamagitan ng mga anghel malibang bilang isang balitang nakatutuwa para sa inyo, na mapapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Kung hindi, tunay na ang pagwawagi, sa katotohanan, ay hindi mangyayari dahil sa payak na mga kadahilanang hayag na ito. Ang pagwawagi lamang, sa totoo, ay mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya,
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 125 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 127