Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 126)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi gumawa nito si Allāh maliban bilang balitang nakagagalak para sa inyo at upang mapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Wala ang pagwawagi malibang mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong, (126)
Tafsīr
Hindi gumawa si Allāh ng tulong na ito at pag-ayudang ito sa pamamagitan ng mga anghel malibang bilang isang balitang nakatutuwa para sa inyo, na mapapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Kung hindi, tunay na ang pagwawagi, sa katotohanan, ay hindi mangyayari dahil sa payak na mga kadahilanang hayag na ito. Ang pagwawagi lamang, sa totoo, ay mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya,
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: