Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 130)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 130

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَأْكُلُوا الرِّبَا أَضْعَافًا مُضَاعَفَةً ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 130 ١٣٠

O mga sumampalataya, huwag kayong kumain ng patubo, na mga ibayong pinag-ibayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (130)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, umiwas kayo sa pagkuha ng patubo bilang karagdagang pinag-ibayo sa mga puhunan ninyo na ipinautang ninyo gaya ng ginagawa ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyong kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba