Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 133)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 133

وَسَارِعُوا إِلَىٰ مَغْفِرَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ وَجَنَّةٍ عَرْضُهَا السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ أُعِدَّتْ لِلْمُتَّقِينَ 133 ١٣٣

Makipagmabilisan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala, (133)

Tafsīr
Magdali-dali kayo at makipag-unahan kayo tungo sa paggawa ng mga kabutihan at pagpapakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng mga pagtalima upang magtamo kayo ng isang sukdulang kapatawaran mula kay Allāh at pumasok kayo sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inilaan ni Allāh para sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba