Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 133 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 133 sa 200 • Tagalog


وَسَارِعُوا إِلَىٰ مَغْفِرَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ وَجَنَّةٍ عَرْضُهَا السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ أُعِدَّتْ لِلْمُتَّقِينَ 133
Pagsasalin:
Makipagmabilisan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala, Āl ‘Imrān 3:133
Tafsīr:
Magdali-dali kayo at makipag-unahan kayo tungo sa paggawa ng mga kabutihan at pagpapakalapit kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng mga pagtalima upang magtamo kayo ng isang sukdulang kapatawaran mula kay Allāh at pumasok kayo sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inilaan ni Allāh para sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 132 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 134