Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 134 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 134 sa 200 • Tagalog


الَّذِينَ يُنْفِقُونَ فِي السَّرَّاءِ وَالضَّرَّاءِ وَالْكَاظِمِينَ الْغَيْظَ وَالْعَافِينَ عَنِ النَّاسِ ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ 134
Pagsasalin:
na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda, Āl ‘Imrān 3:134
Tafsīr:
Ang mga tagapangilag magkasala ay ang mga nagkakaloob ng mga yaman nila sa landas ni Allāh sa kalagayan ng kaluwagan at kagipitan, na mga nagpipigil ng galit nila sa kabila ng kakayahan sa paghihiganti, at mga nagpapalampas sa sinumang lumabag sa katarungan sa kanila. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda, na mga nailalarawan sa tulad sa mga kaasalang ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 133 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 135