Surah As-Sajdah (Ang Pagpapatirapa — السجدة) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




32 As-Sajdah(السجدة), Talata 3

أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۚ بَلْ هُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ 3 ٣

O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya [ang Qur’̄ā na] ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan. (3)

Tafsīr
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha nito laban sa Panginoon niya." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila. Bagkus ito ay ang katotohanang walang pag-aalinlangan hinggil dito, na pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo, O Sugo, upang magpangamba ka sa mga taong walang dumating sa kanila na isang sugo bago mo pa, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan tungo sa katotohanan para sumunod sila rito at gumawa sila ayon dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba