Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 135 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 135 sa 200 • Tagalog


وَالَّذِينَ إِذَا فَعَلُوا فَاحِشَةً أَوْ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ ذَكَرُوا اللَّهَ فَاسْتَغْفَرُوا لِذُنُوبِهِمْ وَمَنْ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا اللَّهُ وَلَمْ يُصِرُّوا عَلَىٰ مَا فَعَلُوا وَهُمْ يَعْلَمُونَ 135
Pagsasalin:
na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila – at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh – at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam. Āl ‘Imrān 3:135
Tafsīr:
Sila ang mga kapag nakagawa ng isang malaki sa mga pagkakasala o nakabawas sa bahagi [ng gantimpala] ng mga sarili dahil sa pagkagawa ng mababa sa mga malaking kasalanan ay umaalaala kay Allāh at nagsasaalaala sa banta Niya para sa mga tagasuway at sa pangako Niya para sa mga tagapangilag magkasala, kaya humihiling mula sa Panginoon nila, habang mga nagsisisi, ng pagtatakip sa mga pagkakasala nila at hindi pagpaparusa sa kanila dahil sa mga ito dahil walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh lamang at hindi sila nagpupumilit sa mga pagkakasala nila habang sila ay nakaaalam na sila ay mga nagkakasala at na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kalahatan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 134 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 136