Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 146)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 146

وَكَأَيِّنْ مِنْ نَبِيٍّ قَاتَلَ مَعَهُ رِبِّيُّونَ كَثِيرٌ فَمَا وَهَنُوا لِمَا أَصَابَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَمَا ضَعُفُوا وَمَا اسْتَكَانُوا ۗ وَاللَّهُ يُحِبُّ الصَّابِرِينَ 146 ١٤٦

Kay rami ng propetang may nakipaglaban kasama sa kanya na maraming pulutong ngunit hindi sila pinanghinaan ng loob sa tumama sa kanila sa landas ni Allāh, hindi sila nanghina, at hindi sila nangayupapa. Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis. (146)

Tafsīr
Kay rami ng propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh na may nakipaglaban kasama rito na mga pangkat kabilang sa maraming tagasunod nito ngunit hindi sila naduwag sa pakikibaka dahil sa dumapo sa kanila na pagkapatay at pagkasugat sa landas ni Allāh, hindi sila nanghina sa pakikipaglaban sa kaaway, at hindi sila nagpasailalim dito, bagkus nagtiis sila at nagpakatatag sila. Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis sa mga pasakit at mga pahirap sa landas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba