Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 148)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo at ng kagandahan ng gantimpala sa Kabilang-buhay. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. (148)
Tafsīr
Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya sa kanila at pagpapatibay sa kanila. Nagbigay Siya sa kanila ng gantimpalang maganda sa Kabilang-buhay dahil sa pagkalugod sa kanila, at ng kaginhawahang mamamalagi sa mga hardin ng lugod. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila at pakikitungo nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: