Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 14)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipinaakit para sa mga tao ang pagkaibig sa mga ninanasa gaya ng mga babae, mga anak, bunton-bunton na nakabuntong ginto at pilak, mga kabayong tinatakan, mga hayupan, at sakahan. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo samantalang si Allāh ay taglay Niya ang kagandahan ng uwian. (14)
Tafsīr
Nagpapabatid si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpaganda para sa mga tao, bilang pagsubok para sa kanila, sa pagkaibig sa mga ninanasang pangmundo tulad ng mga babae, mga anak, maraming kayamanang naipon gaya ng ginto at pilak, mga kabayong tinatakan na magaganda, mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka at mga tupa, at pagsasaka sa lupa. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo, na tinatamasa sa isang yugto. Pagkatapos maglalaho ito kaya hindi nararapat para sa mananampalataya na mahumaling dito samantalang si Allāh ay taglay Niya lamang ang kagandahan ng babalikan, ang Paraiso na ang luwang nito ay ang pagitan ng mga langit at lupa.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: