Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 151)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot dahil nagtambal sila kay Allāh ng anumang hindi Siya nagbaba para rito ng isang katunayan. Ang kanlungan nila ay ang Apoy. Kay saklap ang tuluyan ng mga tagalabag sa katarungan! (151)
Tafsīr
Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng matinding pangamba hanggang sa hindi sila makakaya sa pagpapakatatag sa pakikipaglaban sa inyo dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh ng mga diyos na sinamba nila dahil sa mga pithaya nila, na hindi Siya nagpababa sa kanila para sa mga ito ng isang katwiran. Ang titigilan nilang uuwian nila sa Kabilang-buhay ay ang Apoy. Kay saklap bilang titigilan ng mga tagalabag sa katarungan ang Apoy!
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: