Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 152)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 152

وَلَقَدْ صَدَقَكُمُ اللَّهُ وَعْدَهُ إِذْ تَحُسُّونَهُمْ بِإِذْنِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا فَشِلْتُمْ وَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَعَصَيْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا أَرَاكُمْ مَا تُحِبُّونَ ۚ مِنْكُمْ مَنْ يُرِيدُ الدُّنْيَا وَمِنْكُمْ مَنْ يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۚ ثُمَّ صَرَفَكُمْ عَنْهُمْ لِيَبْتَلِيَكُمْ ۖ وَلَقَدْ عَفَا عَنْكُمْ ۗ وَاللَّهُ ذُو فَضْلٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ 152 ١٥٢

Talaga ngang nagtotoo sa inyo si Allāh ng pangako Niya noong kumikitil kayo sa kanila ayon sa pahintulot Niya, hanggang sa nang pinanghinaan kayo ng loob, naghidwaan kayo hinggil sa utos [ng Sugo], at sumuway kayo matapos na nagpakita Siya sa inyo ng iniibig ninyo [na pagwawagi]. Mayroon sa inyo na nagnanais ng Mundo at mayroon sa inyo na nagnanais ng Kabilang-buhay. Pagkatapos nagpalihis Siya sa inyo palayo sa kanila upang sumubok Siya sa inyo. Talaga ngang nagpaumanhin Siya sa inyo. Si Allāh ay may kabutihang-loob sa mga mananampalataya. (152)

Tafsīr
Talaga ngang tumupad sa inyo si Allāh ng ipinangako Niya sa inyo na pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa Araw ng Uḥud nang kayo noon ay pumapatay sa kanila nang isang matinding pagpatay ayon sa pahintulot Niya – pagkataas-taas Siya – hanggang sa nang naduwag kayo, nanghina kayo sa katatagan sa ipinag-utos sa inyo ng Sugo, nagkaiba-iba kayo sa pagitan ng pananatili sa mga kinaroroonan ninyo o pag-iwan sa mga ito at ng pangangalap ng mga samsam sa digmaan. Sumuway kayo sa Sugo sa utos niya sa inyo na manatili sa mga puwesto ninyo sa bawat kalagayan. Naganap iyon sa inyo nang matapos na ipinakita ni Allāh sa inyo ang iniibig ninyo na pagwawagi sa mga kaaway ninyo. Mayroon sa inyo na nagnanais ng mga samsam sa Mundo. Sila ay ang mga nag-iwan ng mga puwesto nila. Mayroon sa inyo na nagnanais ng gantimpala ng Kabilang-buhay. Sila ay ang mga nanatili sa mga kinaroroonan nila habang mga tumatalima sa utos ng Sugo. Pagkatapos nagpalipat sa inyo si Allāh palayo sa kanila at nagpangibabaw Siya sa kanila laban sa inyo upang sumubok sa inyo para manaig ang mananampalatayang nagtitiis sa pagsubok laban sa sinumang natisod ang paa at nanghina ang sarili. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa inyo sa nagawa ninyo na pagsalungat sa utos ng Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Si Allāh ay may-ari ng sukdulang kabutihang-loob sa mga mananampalataya yayamang nagpatnubay Siya sa kanila sa pananampalataya, nagpaumanhin Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila, at naggantimpala Siya sa kanila dahil sa mga kasawian nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba