Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 156)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 156

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ كَفَرُوا وَقَالُوا لِإِخْوَانِهِمْ إِذَا ضَرَبُوا فِي الْأَرْضِ أَوْ كَانُوا غُزًّى لَوْ كَانُوا عِنْدَنَا مَا مَاتُوا وَمَا قُتِلُوا لِيَجْعَلَ اللَّهُ ذَٰلِكَ حَسْرَةً فِي قُلُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 156 ١٥٦

O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga tumangging sumampalataya at nagsabi sa mga kapatid nila nang naglakbay ang mga ito sa lupain o ang mga ito ay naging mga mandirigma: “Kung sakaling sila ay kapiling naming ay hindi sana sila namatay o napatay,” upang gawin ni Allāh iyon bilang panghihinayang sa mga puso nila. Si Allāh ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (156)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong maging tulad ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mapagpaimbabaw at nagsasabi sa mga kaanak nila nang naglakbay ang mga ito, na naghahanap ng panustos, o ang mga ito ay naging mga mandirigma saka namatay o napatay: "Kung sakaling sila ay kapiling namin at hindi sila pumunta [sa labanan] at hindi sila sumugod, hindi sana sila namatay o napatay." Naglagay si Allāh ng paniniwalang ito sa mga puso nila upang madagdagan sila ng pagsisisi at lungkot sa mga puso nila. Si Allāh lamang ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan ayon sa kalooban Niya. Walang nakapipigil sa pagtatakda Niya na pag-iwas sa pakikibaka at walang nagpapamadali rito na pagpunta sa pakikibaka. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: hindi naikukubli sa Kanya ang mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba