Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 164)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 164

لَقَدْ مَنَّ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ إِذْ بَعَثَ فِيهِمْ رَسُولًا مِنْ أَنْفُسِهِمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 164 ١٦٤

Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak Siya sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan – bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw. (164)

Tafsīr
Talaga ngang nagbiyaya si Allāh sa mga mananampalataya at nagmagandang-loob Siya sa kanila nang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa uri nila, na bumibigkas sa kanila ng Qur'ān, nagdadalisay sa kanila sa Shirk at mga kaasalang buktot, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at Sunnah, samantalang sila dati bago pa ng pagpapadala sa Sugong ito ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag na palayo sa patnubay at paggagabay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba