Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 164 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 164 sa 200 • Tagalog


لَقَدْ مَنَّ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ إِذْ بَعَثَ فِيهِمْ رَسُولًا مِنْ أَنْفُسِهِمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 164
Pagsasalin:
Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak Siya sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan – bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw. Āl ‘Imrān 3:164
Tafsīr:
Talaga ngang nagbiyaya si Allāh sa mga mananampalataya at nagmagandang-loob Siya sa kanila nang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa uri nila, na bumibigkas sa kanila ng Qur'ān, nagdadalisay sa kanila sa Shirk at mga kaasalang buktot, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at Sunnah, samantalang sila dati bago pa ng pagpapadala sa Sugong ito ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag na palayo sa patnubay at paggagabay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 163 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 165