Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 165 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 165 sa 200 • Tagalog


أَوَلَمَّا أَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةٌ قَدْ أَصَبْتُمْ مِثْلَيْهَا قُلْتُمْ أَنَّىٰ هَٰذَا ۖ قُلْ هُوَ مِنْ عِنْدِ أَنْفُسِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 165
Pagsasalin:
Noon bang may tumama sa inyo na isang kasawian gayong nakatama na kayo ng dalawang tulad nito ay nagsabi kayo: “Mula saan ito?” Sabihin mo: “Ito ay mula sa ganang mga sarili ninyo.” Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Āl ‘Imrān 3:165
Tafsīr:
Nang may sumalanta sa inyo, O mga mananampalataya, na isang kasawian nang natalo kayo sa Uḥud at napatay kabilang sa inyo ang mga napatay gayong nakasalanta na kayo sa mga kalaban ninyo ng dalawang ulit nito na mga patay at mga bihag sa Araw ng Badr ay nagsabi pa kayo: "Mula saan sumalanta sa amin ito samantalang kami ay mga mananampalataya at ang Propeta ni Allāh ay nasa amin?" Sabihin mo, O Propeta: "Ang sumalanta sa inyo mula roon ay dumating sa inyo dahilan sa inyo nang nag-alitan kayo at sumuway kayo sa Sugo." Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya nag-aadya Siya sa sinumang niloloob Niya at nagtatatwa Siya sa sinumang niloloob Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 164 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 166