Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 165)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 165

أَوَلَمَّا أَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةٌ قَدْ أَصَبْتُمْ مِثْلَيْهَا قُلْتُمْ أَنَّىٰ هَٰذَا ۖ قُلْ هُوَ مِنْ عِنْدِ أَنْفُسِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 165 ١٦٥

Noon bang may tumama sa inyo na isang kasawian gayong nakatama na kayo ng dalawang tulad nito ay nagsabi kayo: “Mula saan ito?” Sabihin mo: “Ito ay mula sa ganang mga sarili ninyo.” Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (165)

Tafsīr
Nang may sumalanta sa inyo, O mga mananampalataya, na isang kasawian nang natalo kayo sa Uḥud at napatay kabilang sa inyo ang mga napatay gayong nakasalanta na kayo sa mga kalaban ninyo ng dalawang ulit nito na mga patay at mga bihag sa Araw ng Badr ay nagsabi pa kayo: "Mula saan sumalanta sa amin ito samantalang kami ay mga mananampalataya at ang Propeta ni Allāh ay nasa amin?" Sabihin mo, O Propeta: "Ang sumalanta sa inyo mula roon ay dumating sa inyo dahilan sa inyo nang nag-alitan kayo at sumuway kayo sa Sugo." Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya nag-aadya Siya sa sinumang niloloob Niya at nagtatatwa Siya sa sinumang niloloob Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba