Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 167)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 167

وَلِيَعْلَمَ الَّذِينَ نَافَقُوا ۚ وَقِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا قَاتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَوِ ادْفَعُوا ۖ قَالُوا لَوْ نَعْلَمُ قِتَالًا لَاتَّبَعْنَاكُمْ ۗ هُمْ لِلْكُفْرِ يَوْمَئِذٍ أَقْرَبُ مِنْهُمْ لِلْإِيمَانِ ۚ يَقُولُونَ بِأَفْوَاهِهِمْ مَا لَيْسَ فِي قُلُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يَكْتُمُونَ 167 ١٦٧

at upang maghayag Siya sa mga nagpaimbabaw. Sinabi sa kanila: “Halikayo, makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh o magtanggol kayo.” Nagsabi sila: “Kung sakaling nalalaman naming may labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo.” Sila para sa kawalang-pananampalataya sa araw na iyon ay higit na malapit kaysa sa kanila para sa pananampalataya. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga bibig nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang itinatago nila. (167)

Tafsīr
[Hayaang] lumitaw ang mga mapagpaimbabaw, na noong sinabi sa kanila: "Makipaglaban kayo sa landas ni Allāh o magtanggol kayo sa pamamagitan ng pagpaparami ninyo sa masa ng mga Muslim" ay nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman namin na may mangyayaring labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo subalit kami ay hindi nakakikita na may mangyayari sa pagitan ninyo at ng mga tao na isang labanan." Sila, sa kalagayan nila sa sandaling iyon, ay higit na malapit sa nagpapatunay sa kawalang-pananampalataya nila kaysa sa nagpapatunay sa pananampalataya nila. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang kinikimkim nila sa mga dibdib nila at magpaparusa sa kanila dahil doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba