Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 172)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
na mga tumugon kay Allāh at sa Sugo matapos na tumama sa kanila ang sugat. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila at nangilag magkasala ay isang pabuyang sukdulan. (172)
Tafsīr
[Sila] ang mga tumugon sa utos ni Allāh at ng Sugo Niya nang inanyayahan sila sa pagpunta sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh at pakikipagkita sa mga tagapagtambal sa pagsugod sa "Pula ng Leyon" na sumunod sa Uḥud matapos na sumalanta sa kanila ang mga sugat sa Araw ng Uḥud. Hindi pumigil sa kanila ang mga sugat nila sa pagtugon sa panawagan ni Allāh at ng Sugo Niya. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila sa mga gawain nila at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay isang pabuyang sukdulan mula kay Allāh, ang Paraiso.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: