Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 172 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 172 sa 200 • Tagalog


الَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِلَّهِ وَالرَّسُولِ مِنْ بَعْدِ مَا أَصَابَهُمُ الْقَرْحُ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا مِنْهُمْ وَاتَّقَوْا أَجْرٌ عَظِيمٌ 172
Pagsasalin:
na mga tumugon kay Allāh at sa Sugo matapos na tumama sa kanila ang sugat. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila at nangilag magkasala ay isang pabuyang sukdulan. Āl ‘Imrān 3:172
Tafsīr:
[Sila] ang mga tumugon sa utos ni Allāh at ng Sugo Niya nang inanyayahan sila sa pagpunta sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh at pakikipagkita sa mga tagapagtambal sa pagsugod sa "Pula ng Leyon" na sumunod sa Uḥud matapos na sumalanta sa kanila ang mga sugat sa Araw ng Uḥud. Hindi pumigil sa kanila ang mga sugat nila sa pagtugon sa panawagan ni Allāh at ng Sugo Niya. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila sa mga gawain nila at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay isang pabuyang sukdulan mula kay Allāh, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 171 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 173