Magagalak sila sa isang biyaya mula kay Allāh at isang kabutihang-loob, at na si Allāh ay hindi magsasayang sa pabuya sa mga mananampalataya, Āl ‘Imrān 3:171 ⧉
Tafsīr:
Matutuwa sila kasama nito sa malaking gantimpalang naghihintay sa kanila mula kay Allāh at sa isang malaking karagdagan sa gantimpala, at na Siya – pagkataas-taas Siya – ay hindi magpapawalang-saysay sa pabuya sa mga mananampalataya, bagkus maglulubos Siya sa kanila sa mga pabuya sa kanila nang buo at magdaragdag Siya sa kanila sa mga ito.