Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 170 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 170 sa 200 • Tagalog


فَرِحِينَ بِمَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ وَيَسْتَبْشِرُونَ بِالَّذِينَ لَمْ يَلْحَقُوا بِهِمْ مِنْ خَلْفِهِمْ أَلَّا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 170
Pagsasalin:
na mga natutuwa sa ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya, at nagagalak para sa mga hindi pa nakasunod sa kanila kabilang sa naiwan nila, na walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Āl ‘Imrān 3:170
Tafsīr:
Pumuspos sa kanila ang kaligayahan at lumipos sa kanila ang tuwa dahil nagmagandang-loob si Allāh sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Umaasa sila, at naghihintay sila na susunod sa kanila ang mga kapatid nilang nanatili sa Mundo, na kung ang mga ito ay napatay sa pakikibaka ay magtatamo ng kabutihang-loob tulad nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila na nauukol sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga suwerte sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 169 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 171