Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 176)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 176

وَلَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ ۚ إِنَّهُمْ لَنْ يَضُرُّوا اللَّهَ شَيْئًا ۗ يُرِيدُ اللَّهُ أَلَّا يَجْعَلَ لَهُمْ حَظًّا فِي الْآخِرَةِ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ 176 ١٧٦

Huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya. Tunay na sila ay hindi pipinsala kay Allāh ng anuman. Nagnanais si Allāh na hindi maglagay para sa kanila ng isang bahagi sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan. (176)

Tafsīr
Huwag magsadlak sa iyo sa kalungkutan, O Sugo, ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya, na mga nanunumbalik sa mga dinaanan nila kabilang sa mga kampon ng pagpapaimbabaw sapagkat tunay na sila ay hindi magdudulot kay Allāh ng alinmang pinsala; namiminsala lamang sila sa mga sarili nila dahil sa kalayuan nila sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Nagnanais si Allāh sa pagtatwa sa kanila at hindi pagtutuon sa kanila na hindi sila magkaroon ng bahagi sa kaginhawahan sa Kabilang-buhay. Ukol sa kanila roon ay isang pagdurusang sukdulan sa Apoy.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba