Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 178)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 178

وَلَا يَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ خَيْرٌ لِأَنْفُسِهِمْ ۚ إِنَّمَا نُمْلِي لَهُمْ لِيَزْدَادُوا إِثْمًا ۚ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ 178 ١٧٨

Huwag ngang mag-akala ang mga tumangging sumampalataya na ang ipinapalugit Namin sa kanila ay mabuti para sa mga sarili nila; nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila ng kasalanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak. (178)

Tafsīr
Huwag ngang magpalagay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila at nagmatigas sa Batas Niya na ang pagpapalugit sa kanila at ang pagpapahaba ng buhay nila, gayong sila ay nasa kawalang-pananampalataya, ay mabuti para sa mga sarili nila. Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila ng kasalanan sa dating kasalanan nila dahil sa dami ng mga pagsuway nila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mang-aaba.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba