Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 180)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag ngang mag-akala ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila. Kukulyaran sila ng ipinagmaramot nila sa Araw ng Pagbangon. Ukol kay Allāh ang pagmamana sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Mapagbatid. (180)
Tafsīr
Huwag ngang magpalagay ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa mga biyaya bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya kaya nagkakait sila sa karapatan ni Allāh sa mga ito. Huwag silang magpalagay na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila dahil ang ipinagmamaramot nila ay magiging isang kulyar na kukulyaran sila sa pamamagitan nito sa Araw ng Pagbangon sa mga leeg nila habang pinagdurusa sila sa pamamagitan nito. Sa kay Allāh lamang mananauli ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ang Buhay matapos ng pagkalipol ng nilikha Niya sa kabuuan nila. Si Allāh ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng anumang ginagawa ninyo.Gaganti Siya sa inyo rito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: