Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 186)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talagang susubukin nga kayo sa mga yaman ninyo at mga sarili ninyo at talaga ngang makaririnig kayo mula sa mga binigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming pananakit. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin. (186)
Tafsīr
Talagang susulitin nga kayo, O mga mananampalataya, sa mga yaman ninyo sa pagtupad sa mga tungkuling kinakailangan sa mga ito at sa anumang bumababa sa mga ito na mga sakuna, talagang susulitin nga kayo sa mga sarili ninyo sa pagsasagawa sa mga obligasyon sa Batas ng Islām at anumang bumababa sa inyo na mga uri ng pagsubok, at talagang makaririnig nga kayo mula sa mga nabigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming bagay kabilang sa nakasasakit sa inyo gaya ng paninirang-puri sa inyo at sa relihiyon ninyo. Kung magtitiis kayo sa tumatama sa inyo na mga uri ng mga kasawian at mga pagsubok at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya, tunay na iyon ay kabilang sa mga bagay na nangangailangan ng pagpapasya at nagpapaligsahan sa mga ito ang mga nagpapaligsahan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: