Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 186 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 186 sa 200 • Tagalog


لَتُبْلَوُنَّ فِي أَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ وَلَتَسْمَعُنَّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَمِنَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا أَذًى كَثِيرًا ۚ وَإِنْ تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ ذَٰلِكَ مِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ 186
Pagsasalin:
Talagang susubukin nga kayo sa mga yaman ninyo at mga sarili ninyo at talaga ngang makaririnig kayo mula sa mga binigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming pananakit. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin. Āl ‘Imrān 3:186
Tafsīr:
Talagang susulitin nga kayo, O mga mananampalataya, sa mga yaman ninyo sa pagtupad sa mga tungkuling kinakailangan sa mga ito at sa anumang bumababa sa mga ito na mga sakuna, talagang susulitin nga kayo sa mga sarili ninyo sa pagsasagawa sa mga obligasyon sa Batas ng Islām at anumang bumababa sa inyo na mga uri ng pagsubok, at talagang makaririnig nga kayo mula sa mga nabigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming bagay kabilang sa nakasasakit sa inyo gaya ng paninirang-puri sa inyo at sa relihiyon ninyo. Kung magtitiis kayo sa tumatama sa inyo na mga uri ng mga kasawian at mga pagsubok at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya, tunay na iyon ay kabilang sa mga bagay na nangangailangan ng pagpapasya at nagpapaligsahan sa mga ito ang mga nagpapaligsahan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 185 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 187