Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 187 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 187 sa 200 • Tagalog


وَإِذْ أَخَذَ اللَّهُ مِيثَاقَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ لَتُبَيِّنُنَّهُ لِلنَّاسِ وَلَا تَكْتُمُونَهُ فَنَبَذُوهُ وَرَاءَ ظُهُورِهِمْ وَاشْتَرَوْا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَبِئْسَ مَا يَشْتَرُونَ 187
Pagsasalin:
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: “Talagang lilinawin nga ninyo ito sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito.” Ngunit itinapon nila ito sa hulihan ng mga likuran nila at bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas kaya kay saklap ang binibili nila! Āl ‘Imrān 3:187
Tafsīr:
Banggitin mo, O Propeta, nang gumawa si Allāh ng tipan na binigyang-diin sa mga maalam ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, [na nagsasaad]: "Talagang magpapaliwanag nga kayo sa mga tao ng Kasulatan ni Allāh at hindi kayo magkukubli ng laman nito na patnubay ni ng ipinahiwatig nito na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagtapon sila ng tipan at hindi sila lumingon doon sapagkat nagkubli sila ng katotohanan at naglantad sila ng kabulaanan. Ipinagpalit nila ang tipan kay Allāh sa katiting na halaga gaya ng katanyagan at yaman, na maaari nilang matatamo. Kaya kay saklap ang halagang ito na ipinagpalit nila sa tipan ni Allāh!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 186 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 188