Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 185 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 185 sa 200 • Tagalog


كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَإِنَّمَا تُوَفَّوْنَ أُجُورَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۖ فَمَنْ زُحْزِحَ عَنِ النَّارِ وَأُدْخِلَ الْجَنَّةَ فَقَدْ فَازَ ۗ وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا مَتَاعُ الْغُرُورِ 185
Pagsasalin:
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Lulubus-lubusin lamang kayo sa mga pabuya sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Kaya ang sinumang hinango palayo sa Apoy at pinapasok sa Paraiso ay nagtamo nga siya. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang. Āl ‘Imrān 3:185
Tafsīr:
Bawat kaluluwa, maging anuman ito, ay hindi maiiwasan na lumasap ng kamatayan kaya huwag palilinlang ang isang nilikha sa Mundong ito. Sa Araw ng Pagbangon ay bibigyan kayo ng mga pabuya ng mga gawa ninyo nang kumpleto na hindi nabawasan. Kaya ang sinumang inilayo ni Allāh buhat sa Apoy at pinapasok Niya sa Paraiso ay nagtamo nga ng hinahangad niya na kabutihan at naligtas sa pinangangambahan niya na kasamaan. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang natatamasang naglalaho at walang nahuhumaling dito kundi ang nadaya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 184 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 186