Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 187)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: “Talagang lilinawin nga ninyo ito sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito.” Ngunit itinapon nila ito sa hulihan ng mga likuran nila at bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas kaya kay saklap ang binibili nila! (187)
Tafsīr
Banggitin mo, O Propeta, nang gumawa si Allāh ng tipan na binigyang-diin sa mga maalam ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, [na nagsasaad]: "Talagang magpapaliwanag nga kayo sa mga tao ng Kasulatan ni Allāh at hindi kayo magkukubli ng laman nito na patnubay ni ng ipinahiwatig nito na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagtapon sila ng tipan at hindi sila lumingon doon sapagkat nagkubli sila ng katotohanan at naglantad sila ng kabulaanan. Ipinagpalit nila ang tipan kay Allāh sa katiting na halaga gaya ng katanyagan at yaman, na maaari nilang matatamo. Kaya kay saklap ang halagang ito na ipinagpalit nila sa tipan ni Allāh!
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: