Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 18

شَهِدَ اللَّهُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ وَالْمَلَائِكَةُ وَأُولُو الْعِلْمِ قَائِمًا بِالْقِسْطِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ 18 ١٨

Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong. (18)

Tafsīr
Sumaksi si Allāh na Siya ay ang Diyos na sinasamba ayon sa karapatan, walang iba pa sa Kanya. Iyon ay dahil sa inilatag Niya na mga tandang pambatas at pangsansinukob na nagpapatunay sa pagkadiyos Niya. Sumaksi roon ang mga anghel. Sumaksi ang mga may kaalaman doon sa pamamagitan ng paglilinaw nila sa Tawḥīd at pag-anyaya nila tungo roon. Kaya sumaksi sila sa pinakadakila sa sinasaksihan at ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang pagpapanatili Niya – pagkataas-taas Siya – sa katarungan sa paglikha Niya at batas Niya. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba