Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 193)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagan na nananawagan para sa pananampalataya, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo,” kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin, magtakip-sala Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga mabuting-loob. (193)
Tafsīr
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagaanyaya sa pananampalataya – ang Propeta Mong si Muḥammad, ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na nag-aanyaya habang nagsasabi: "Sumampalataya kayo kay Allāh, ang Panginoon ninyo, bilang iisang Diyos." Kaya sumampalataya kami sa ipinaaanyaya niya at sumunod kami sa Batas niya kaya magtakip Ka sa mga pagkakasala namin para hindi Ka magpahiya sa amin, magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin para hindi Ka manisi sa amin dahil sa mga ito, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga maayos sa pamamagitan ng pagtutuon sa amin sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga masagwang gawa."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: