Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 193 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 193 sa 200 • Tagalog


رَبَّنَا إِنَّنَا سَمِعْنَا مُنَادِيًا يُنَادِي لِلْإِيمَانِ أَنْ آمِنُوا بِرَبِّكُمْ فَآمَنَّا ۚ رَبَّنَا فَاغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا وَكَفِّرْ عَنَّا سَيِّئَاتِنَا وَتَوَفَّنَا مَعَ الْأَبْرَارِ 193
Pagsasalin:
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagan na nananawagan para sa pananampalataya, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo,” kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin, magtakip-sala Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga mabuting-loob. Āl ‘Imrān 3:193
Tafsīr:
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagaanyaya sa pananampalataya – ang Propeta Mong si Muḥammad, ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na nag-aanyaya habang nagsasabi: "Sumampalataya kayo kay Allāh, ang Panginoon ninyo, bilang iisang Diyos." Kaya sumampalataya kami sa ipinaaanyaya niya at sumunod kami sa Batas niya kaya magtakip Ka sa mga pagkakasala namin para hindi Ka magpahiya sa amin, magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin para hindi Ka manisi sa amin dahil sa mga ito, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga maayos sa pamamagitan ng pagtutuon sa amin sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga masagwang gawa."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 192 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 194