Panginoon namin, tunay na Ikaw, sa sinumang ipapasok Mo sa Apoy, ay nagpahiya nga sa kanya. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya. Āl ‘Imrān 3:192 ⧉
Tafsīr:
Kaya tunay na Ikaw, O Panginoon namin, sa sinumang ipapasok Mo sa Apoy kabilang sa mga nilikha Mo, ay humamak nga sa kanya at dumusta nga sa kanya. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon na mga tagatulong na hahadlang para sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh at parusa Niya.