Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 198)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 198

لَٰكِنِ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ لَهُمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا نُزُلًا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۗ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ لِلْأَبْرَارِ 198 ١٩٨

Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito bilang tuluyan mula sa ganang kay Allāh. Ang anumang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti para sa mga mabuting-loob. (198)

Tafsīr
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman bilang ganting inihanda para sa kanila mula sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa anumang gumagala-gala dahil doon ang mga tagatangging sumampalataya na mga minamasarap sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba