Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 198 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 198 sa 200 • Tagalog


لَٰكِنِ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ لَهُمْ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا نُزُلًا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۗ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ لِلْأَبْرَارِ 198
Pagsasalin:
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito bilang tuluyan mula sa ganang kay Allāh. Ang anumang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti para sa mga mabuting-loob. Āl ‘Imrān 3:198
Tafsīr:
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman bilang ganting inihanda para sa kanila mula sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa anumang gumagala-gala dahil doon ang mga tagatangging sumampalataya na mga minamasarap sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 197 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 199