Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 199 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 199 sa 200 • Tagalog


وَإِنَّ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَمَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِمْ خَاشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشْتَرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۗ أُولَٰئِكَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ 199
Pagsasalin:
Tunay na mayroon sa mga May Kasulatan na talagang sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo at sa pinababa sa kanila, na mga taimtim kay Allāh. Hindi sila bumibili kapalit ng mga talata ni Allāh ng isang kaunting panumbas. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. Āl ‘Imrān 3:199
Tafsīr:
Ang mga May Kasulatan ay hindi magkatulad sapagkat tunay na kabilang sa kanila ay isang pangkat na sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo na katotohanan at patnubay, at sumasampalataya sa pinababa sa kanila sa mga kasulatan nila habang hindi nagtatangi-tangi sa pagitan ng mga sugo ni Allāh habang mga nagpapasailalim na mga nagpapakaaba kay Allāh dala ng pagkaibig sa anumang nasa Kanya. Hindi sila nagpapalit sa mga talata ni Allāh sa kaunting halaga na pagtatamasa sa Mundo. Ang mga inilalarawang iyon sa mga katangiang ito ay may ukol sa kanila na dakilang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawain, mabilis ang pagganti sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 198 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 200