Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 199)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 199

وَإِنَّ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَمَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِمْ خَاشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشْتَرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۗ أُولَٰئِكَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ 199 ١٩٩

Tunay na mayroon sa mga May Kasulatan na talagang sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo at sa pinababa sa kanila, na mga taimtim kay Allāh. Hindi sila bumibili kapalit ng mga talata ni Allāh ng isang kaunting panumbas. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. (199)

Tafsīr
Ang mga May Kasulatan ay hindi magkatulad sapagkat tunay na kabilang sa kanila ay isang pangkat na sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo na katotohanan at patnubay, at sumasampalataya sa pinababa sa kanila sa mga kasulatan nila habang hindi nagtatangi-tangi sa pagitan ng mga sugo ni Allāh habang mga nagpapasailalim na mga nagpapakaaba kay Allāh dala ng pagkaibig sa anumang nasa Kanya. Hindi sila nagpapalit sa mga talata ni Allāh sa kaunting halaga na pagtatamasa sa Mundo. Ang mga inilalarawang iyon sa mga katangiang ito ay may ukol sa kanila na dakilang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawain, mabilis ang pagganti sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba