Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 20)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kung nangatwiran sila sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay sabihin mo: “Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin.” Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato: “Nagpasakop ba kayo?” Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod. (20)
Tafsīr
Kaya kung nakipagtalo sila sa iyo, O Sugo, hinggil sa katotohanang bumaba sa iyo ay sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Nagpasakop ako mismo at ang sinumang sumusunod sa akin kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya." Sabihin mo, O Sugo, sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal kay Allāh: "Nagpasakop ba kayo kay Allāh – pagkataas-taas Siya – bilang mga nagpapakawagas sa Kanya habang mga sumusunod sa inihatid ko?" Kung nagpasakop sila kay Allāh at sumunod sa Batas mo ay tumahak nga sila sa landas ng patnubay, at kung umayaw sila sa Islām ay walang kailangan sa iyo kundi na magpaabot ka sa kanila ng ipinasugo sa iyo at ang lagay nila ay kay Allāh sapagkat Siya – pagkataas-taas Siya – ay Nakakikita sa mga lingkod Niya.Gaganti Siya sa bawat tagagawa dahil sa ginawa nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: