Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 21

إِنَّ الَّذِينَ يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ النَّبِيِّينَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَيَقْتُلُونَ الَّذِينَ يَأْمُرُونَ بِالْقِسْطِ مِنَ النَّاسِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 21 ٢١

Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, pumapatay sa mga propeta nang walang isang karapatan, at pumapatay sa mga nag-uutos sa pagkamakatarungan kabilang sa mga tao ay magbalita ka sa kanila ng isang pagdurusang masakit. (21)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga katwiran ni Allāh na pinababa Niya sa kanila, pumapatay sa mga propeta Niya nang walang karapatan bagkus kawalang-katarungan at pangangaway lamang, at pumapatay sa mga nag-uutos ayon sa katarungan kabilang sa mga tao – na mga nag-uutos sa nakabubuti at mga sumasaway sa nakasasama – ay magbalita ka sa mga tagatangging sumampalataya na mga pumapatay na ito ng isang pagdurusang masakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba