Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 23

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ أُوتُوا نَصِيبًا مِنَ الْكِتَابِ يُدْعَوْنَ إِلَىٰ كِتَابِ اللَّهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ وَهُمْ مُعْرِضُونَ 23 ٢٣

Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Inanyayahan sila tungo sa Kasulatan ni Allāh upang humatol Siya sa pagitan nila, pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila habang sila ay mga umaayaw. (23)

Tafsīr
Hindi ka ba tumingin, O Propeta, sa kalagayan ng mga Hudyo na binigyan ni Allāh ng isang bahagi mula sa kaalaman sa pamamagitan ng Torah at ng nagpatunay sa pagkapropeta mo? Inanyayahan sila tungo sa pagbalik sa Kasulatan ni Allāh, ang Torah, upang magpasya Siya sa pagitan nila hinggil sa pinagkakaiba-iba nila, pagkatapos lumilisan ang isang pangkat kabilang sa mga maalam nila at mga pinuno nila habang sila ay mga umaayaw sa kahatulan Niya yayamang hindi umayon sa mga pithaya nila. Ang karapat-dapat sa kanila, yayamang sila ay nag-aangkin ng pagsunod nila sa Kanya, ay maging pinakamabilis sa mga tao sa pagpapahatol sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba