Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 23 sa 200 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ أُوتُوا نَصِيبًا مِنَ الْكِتَابِ يُدْعَوْنَ إِلَىٰ كِتَابِ اللَّهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٌ مِنْهُمْ وَهُمْ مُعْرِضُونَ 23
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Inanyayahan sila tungo sa Kasulatan ni Allāh upang humatol Siya sa pagitan nila, pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila habang sila ay mga umaayaw. Āl ‘Imrān 3:23
Tafsīr:
Hindi ka ba tumingin, O Propeta, sa kalagayan ng mga Hudyo na binigyan ni Allāh ng isang bahagi mula sa kaalaman sa pamamagitan ng Torah at ng nagpatunay sa pagkapropeta mo? Inanyayahan sila tungo sa pagbalik sa Kasulatan ni Allāh, ang Torah, upang magpasya Siya sa pagitan nila hinggil sa pinagkakaiba-iba nila, pagkatapos lumilisan ang isang pangkat kabilang sa mga maalam nila at mga pinuno nila habang sila ay mga umaayaw sa kahatulan Niya yayamang hindi umayon sa mga pithaya nila. Ang karapat-dapat sa kanila, yayamang sila ay nag-aangkin ng pagsunod nila sa Kanya, ay maging pinakamabilis sa mga tao sa pagpapahatol sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 22 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 24