Ang mga iyon ay ang mga nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya. Āl ‘Imrān 3:22 ⧉
Tafsīr:
Ang mga nailalarawan na iyon sa mga katangiang iyon ay nawalang-saysay nga ang mga gawa nila kaya hindi sila nakikinabang sa mga ito sa Mundo ni sa Kabilang-buhay dahil sa kawalan ng pananampalataya nila kay Allāh. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adyang magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa.