Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 26

قُلِ اللَّهُمَّ مَالِكَ الْمُلْكِ تُؤْتِي الْمُلْكَ مَنْ تَشَاءُ وَتَنْزِعُ الْمُلْكَ مِمَّنْ تَشَاءُ وَتُعِزُّ مَنْ تَشَاءُ وَتُذِلُّ مَنْ تَشَاءُ ۖ بِيَدِكَ الْخَيْرُ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 26 ٢٦

Sabihin mo: “O Allāh, Tagapagmay-ari ng paghahari, nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo, nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinumang niloloob Mo, nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo, at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Nasa kamay Mo ang kabutihan. Tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan. (26)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, habang nagbubunyi sa Panginoon mo at nagdadakila sa Kanya: "O Allāh, Ikaw ang Tagapagmay-ari ng paghahari sa kabuuan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo kabilang sa nilikha Mo at nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinuman niloloob Mo. Nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo kabilang sa kanila at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Lahat ng iyon ay ayon sa karunungan Mo at katarungan Mo. Nasa kamay Mo lamang ang kabutihan sa kabuuan nito. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba