Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 26 sa 200 • Tagalog


قُلِ اللَّهُمَّ مَالِكَ الْمُلْكِ تُؤْتِي الْمُلْكَ مَنْ تَشَاءُ وَتَنْزِعُ الْمُلْكَ مِمَّنْ تَشَاءُ وَتُعِزُّ مَنْ تَشَاءُ وَتُذِلُّ مَنْ تَشَاءُ ۖ بِيَدِكَ الْخَيْرُ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 26
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O Allāh, Tagapagmay-ari ng paghahari, nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo, nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinumang niloloob Mo, nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo, at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Nasa kamay Mo ang kabutihan. Tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan. Āl ‘Imrān 3:26
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, habang nagbubunyi sa Panginoon mo at nagdadakila sa Kanya: "O Allāh, Ikaw ang Tagapagmay-ari ng paghahari sa kabuuan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo kabilang sa nilikha Mo at nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinuman niloloob Mo. Nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo kabilang sa kanila at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Lahat ng iyon ay ayon sa karunungan Mo at katarungan Mo. Nasa kamay Mo lamang ang kabutihan sa kabuuan nito. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 25 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 27