Kaya papaano kapag nagtipon Kami sa kanila para sa isang araw na walang pag-aalinlangan doon, at nilubus-lubos ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan? Āl ‘Imrān 3:25 ⧉
Tafsīr:
Kaya papaano magiging ang kalagayan nila at ang pagsisisi nila? Magiging isang kalubus-lubusan sa kasagwaan ito kapag nagtipon Kami sa kanila para sa pagtutuos sa Araw na walang duda hinggil doon, ang Araw ng Pagbangon, at binigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa anumang ginawa nito ayon sa halaga na magiging karapat-dapat ito, nang walang paglabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa magandang gawa nito at pagdagdag sa masagwang nagawa nito.