Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 27 sa 200 • Tagalog


تُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَتُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ ۖ وَتُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَتُخْرِجُ الْمَيِّتَ مِنَ الْحَيِّ ۖ وَتَرْزُقُ مَنْ تَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ 27
Pagsasalin:
Nagpapalagos Ka ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Ka ng maghapon sa gabi. Nagpapalabas Ka ng buhay mula sa patay at nagpapalabas Ka ng patay mula sa buhay. Nagtutustos Ka sa sinumang niloloob Mo nang walang pagtutuos.” Āl ‘Imrān 3:27
Tafsīr:
Bahagi ng mga paglalantad sa kapangyarihan Mo ay na Ikaw ay nagpapasok ng gabi sa maghapon kaya humahaba ang oras ng maghapon at nagpapasok ng maghapon sa gabi kaya humahaba ang oras ng gabi, nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng pagpapalabas ng mananampalataya mula sa tagatangging sumampalataya at ng pananim mula sa butil, nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng tagatangging sumampalataya mula sa mananampalataya at ng itlog mula sa manok, at nagtutustos sa sinumang niloloob Mo ng isang panustos na malawak nang walang pagtutuos at pagbibilang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 26 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 28