Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 39

فَنَادَتْهُ الْمَلَائِكَةُ وَهُوَ قَائِمٌ يُصَلِّي فِي الْمِحْرَابِ أَنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحْيَىٰ مُصَدِّقًا بِكَلِمَةٍ مِنَ اللَّهِ وَسَيِّدًا وَحَصُورًا وَنَبِيًّا مِنَ الصَّالِحِينَ 39 ٣٩

Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: “Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos.” (39)

Tafsīr
Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel habang kumakausap sa kanya samantalang siya ay nasa kalagayan ng pagkakatayo para sa pagdarasal sa isang lugar ng pagsamba, sa pamamagitan ng sabi nila: "Tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ipanganganak sa iyo, na ang pangalan ay Yahya. Kabilang sa katangian nito na ito ay maging isang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh. Siya ay si Hesus na anak ni Maria dahil iyon ay nilikha sa isang paglikhang natatangi sa pamamagitan ng isang salita mula kay Allāh. Ang batang ito ay magiging isang ginoo sa mga tao niya sa kaalaman at pagsamba, na isang tagapigil sa sarili niya at isang tagahadlang dito sa mga pagnanasa, na kabilang dito ang paglapit sa mga babae, na [magiging] isang nag-uukol ng sarili sa pagsamba sa Panginoon niya, at magiging isang propeta rin kabilang sa mga maayos."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba