Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 45

إِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٍ مِنْهُ اسْمُهُ الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ وَجِيهًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ وَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ 45 ٤٥

[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: “O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh]. (45)

Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ang paglikha sa kanya ay magiging mula sa hindi isang ama at sa pamamagitan lamang ng isang salita mula kay Allāh sa pamamagitan ng pagsabi Niya ng: 'Mangyari' at mangyayari naman ang pagkakaroon ng isang anak ayon sa pahintulot Niya. Ang pangalan ng batang ito ay Kristo Jesus na anak ni Maria. Magkakaroon siya ng isang dakilang kalagayan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit sa Kanya – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba